maskara
isang balat na gawang tao –
naitatago rito ang totoo.
sa maskarang ito,
nawawala ang “ako.”
‘di makilala,
ang sarili niya,
sa loob ng maskara.
pagsuot nito –
nawawala ang takot –
nawawala ang hiya –
walang pakundangang gumagawa –
ng mga bagay na ayon sa kanyang ginhawa.
ang aparatong ito –
nagsisilbing balat-kayo –
sa buhay na ayaw –
ng taong humihiyaw.
sa iba,
ang maskara ay siya –
walang “siya” –
walang “ako” –
kung wala ito.
kung wala ang maskarang gamit ko.
naitatago rito ang totoo.
sa maskarang ito,
nawawala ang “ako.”
‘di makilala,
ang sarili niya,
sa loob ng maskara.
pagsuot nito –
nawawala ang takot –
nawawala ang hiya –
walang pakundangang gumagawa –
ng mga bagay na ayon sa kanyang ginhawa.
ang aparatong ito –
nagsisilbing balat-kayo –
sa buhay na ayaw –
ng taong humihiyaw.
sa iba,
ang maskara ay siya –
walang “siya” –
walang “ako” –
kung wala ito.
kung wala ang maskarang gamit ko.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home