malmig na hangin ang regalo ng dilim
ngunit sa gabing ako'y kinakain na ng aking lagim
naalala ko ang init ng aking damdamin
tuwing siya'y darating
nagsilbing armas, panangga,
at kumot na rin
hindi mapagkaila
ang aking pagkasabik
sa muling pagpasyal
ng aking giliw...
isang mainit na liyab
ng aking damdamin
ang sumabay sa gabing malamig
mulat na mulat
at mga ngiting kumikinang
sandata ko sa bagyong parating...
ngunit sa gabing ako'y kinakain na ng aking lagim
naalala ko ang init ng aking damdamin
tuwing siya'y darating
nagsilbing armas, panangga,
at kumot na rin
hindi mapagkaila
ang aking pagkasabik
sa muling pagpasyal
ng aking giliw...
isang mainit na liyab
ng aking damdamin
ang sumabay sa gabing malamig
mulat na mulat
at mga ngiting kumikinang
sandata ko sa bagyong parating...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home